Paano Magisa Ng Sitaw

ginisang sitaw w

Isa sa mga gulay na kinalakhan ko ang sitaw dahil meron kaming backyard garden at masipag magtanim ang mga kuya ko ng sitaw kaya isa ito sa mga gulay na nakasanayan ko, lalo na kung ginisa na may sahog na masarap.

Mga sangkap:

  • 2 tali sitaw (malinis na at hiniwa)
  • 200 gramo baboy (hiniwa)
  • 3 kutsara toyo
  • 3 butil bawang (dinikdik)
  • 2 kutsara mantika

Paraan ng pagluluto:

  1. Igisa ang bawang at ilagay ang baboy, igisa hanggang maging pinirito ang itsura.
  2. Lakasan ang apoy at ilagay ang sitaw, haluing maigi. Kailangang malakas ang apoy para maganda ang kulay ng sitaw, fresh looking pa rin kahit luto na.
  3. Ilagay ang toyo, kung gusto nyong lagyan ng powder  na pampalasa (Ginisa mix, Magic sarap, vetsin , etc) nasa sa inyo na po yon.
  4. Haluin hanggang sa maluto at ihain kasama ng kanin.

 

Leave a Reply