Paano Lutuin Ang Sago ng 10 Minutes Lang

sago w1

Kapag napag uusapan ang sago salad, minsan sa pag uusap pa lang tinatamad na akong lutuin dahil matagal lutuin ang sago, pero may nadiskobre akong paraan na pwede mo itong maluto sa loob lang ng 10 minutes, kaya tipid ka na sa oras, tipid ka pa sa gas, sa pamamagitan ng paraang ito, di mo na kailngang pakuluan ng maraming oras hanggang sa maging transparent ang sago na ang ibig sabihin ay luto na.

Mga Sangkap:

  • 1/2 kilo sago (maliliit)
  • 5 litro tubig

Paraan ng Pagluluto:

  1. Ilagay ang tubig sa malaking caldero at pakuluin. Ilagay ang sago at haluing maigi para hindi magdikit-dikit. Takpan ang caldero at bayaang kumulo sa loob ng 10 minuto habang hinahalo-halo paminsan minsan.
  2. Pagkatapos ng 10 minuto, patayin ang apoy at panatilihing nakatakip sa loob ng 2 oras, para patuloy itong maluto.
  3. Pagkatapos ng 2 oras, kapag transparent na, ibig sabihin luto na ito, hugasang maigi para hindi magdikit-dikit. Pwede na itong gamitin sa salad o sa anomang putahe na gusto mong lagyan nito.

English Version

Ingredients:

  • 1/2 kilo tapioca
  • 5 litres water

Procedure:

  1. Put the water in a big pot then bring to a boil, alowly add the sago, while stirring the water to avoid it from sticking to each other. Let simmer for 10 minutes while stirring occasionally.
  2. After 10 minutes turn off the heat, and just leave it covered for 2 hours, without opening it so that the heat will continue cooking the sago.
  3. After 2 hours and it’s already transparent, drain it and wash with water. Drain and this is now ready to be used for different recipes.

Categories: Desserts, Salad

Tagged as: , , , ,

Leave a Reply