Fried Pork Chop Sinigang

fried pork chop sinigang.jpg

Wala ng tatalo pa sa masarap na sabaw, iyong lasa na pagkasubo mo babalik balikan mong higupin dahil napakasarap. Ito ang naranasan ko sa niluto kong sinigang na pritong pork chop, sinubukan ko lang lutuin, masarap pala. Subukan nyo.

Mga Sangkap:

  • 2 piraso piniritong pork chop
  • 8 tasa tubig
  • 1 kamatis (hiniwa)
  • 1 sibuyas (hiniwa)
  • 1 tali kangkong
  • 1 pack Sinigang mix (40 grams
  • asin panimpla

Paraan ng Pagluluto:

  1. Ilagay sa kaldero ang tubig, kamatis, sibuyas at pritong pork chop, pakuluan ito ng 15 minutos.
  2. Ilagay ang kangkong at timplahan ng asin ayon sa iyong panlasa. Ilagay ang sinigang mix at patayin ang apoy pagkatpos ng isang kulo.
  3. Ihain kasama ng kanin.

Categories: Pork Recipe

Tagged as: , , , ,

Leave a Reply