Guso Salad

guso salad (3)

Isa sa mga kumon na seaweed ang guso,, di ko alam ano ang tawag nito sa ibang lugar ng Pilipinas pero dito sa Davao, kilala ito bilang guso. Pwede itong gawing salad na di na banlian ng mainit na tubig, pero para sa akin mas masarap ang binanlian ng mainit n tubig. Pwede rin itong pakuluan pero ingatang wag maover cooked dahil di masarap. Madali lang itong gawing ensalada.

Mga sangkap:

  • 1/2 kilo guso
  • 2 pipino (hiniwa)
  • 2 karots (hiniwa)
  • 1/2 tasa vinegar
  • 1 tasa pinya (hiniwa)
  • 1 kutsarita asukal
  • 1 sibuyas (hiniwa)
  • luya 1 kutsarita (tinadtad)
  • asin at paminta panimpla

Paraan ng Paghahanda:

  1. Pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap, timplahan at haluing maigi.
  2. Ihain.

Maraming iba’t ibang mga sangkap ang pwedeng ihalo dito, ayon sa iyong gusto.

 

ensaladang guso w

Leave a Reply