Bicol Express

bicol express.jpg

Sikat na putahe ang Bicol Express, na hango sa paraan ng pagluluto ng mga Bicolano na pinaniniwalaang ginawa ni Cely Kalaw, sya ay taga Laguna ngunit nanirahan sya sa Bicol. Ipinangalan ang Putaheng ito sa serbisyo ng pampasaherong tren na nagbibiyahe mula Maynila hanggang Bicol kung saan sikat ang putaheng ito.

Mga Sangkap:

  • 1 kilo liempo ng baboy
  • 2 tasa ikalawang gata
  • 1 tasa kakang gata
  • 1/2 tasa alamang
  • 3 butil ng bawang (dinikdik)
  • 1 sibuyas (hiniwa)
  • 1 kutsara luya (tinadtad)
  • 10 piraso siling labuyo (hiniwa/tinadtad) dagdagan ayon sa iyong panlasa
  • asin at paminta panimpla

Paraan ng Pagluluto:

  1. Igisa ang bawang, luya at sibuyas saka ilagay ang liempo at sangkutsahing maigi hanggang sa maging medyo brown na ang karne.
  2. Ilagay ang alamang at gisahing maigi, saka ilagay ang sili haluing maigi.
  3. Ilagay ang ikalawang gata at pakuluan ang liempo hanggang sa lumambot ito, timplahan ng asin at paminta. Kung gusto nyong iimprove ang lasa sa pamamagitan ng paglagay ng mga powder na panimpla nasa sa inyo na po yon.
  4. Kapag malambot na ilagay ang kakangĀ  gata at patayin kapag medyo tuyo na.
  5. Ihain ng mainit.

Gumamit ako ng labuyo dahil walang available na siling haba nang magluto ako.

Leave a Reply