Lechon Paksiw

lechon paksiw4 copy w

Tipikal sa handaang Pinoy ang lechon at madalas may tira ito, pero kapag may tira siguradong hindi masasayang dahil lulutuin naman ito bilang lechon paksiw.

Mga Sangkap:

  • 1/2 kilo lechon (hiniwa)
  • 1/2 tasa suka
  • 2 kutsara toyo
  • 3 butil bawang (dinikdik)
  • 1/4 tasa bread crumbs
  • 2 tasa tubig
  • 1 kutsarita asukal o ayon sa iyong panlasa
  • paminta durog
  • 2 dahon laurel

Paraan ng Pagluluto:

  1. Igisa ang bawang, ilagay ang lechon, paminta, suka, laurel, asukal at toyo, takpan at pakuluin ng 10 minuto sa mahinang apoy.
  2. Ilagay ang tubig, pakuluan ang lechon hanggang lumambot, haluin paminsan minsan.
  3. Unti-unting ilagay ang bread crumbs at haluing maigi, pakuluin hanggang medyo lumapot.
  4. Ihain kasama ng kanin.

English Version

Ingedients:

  • 1/2 kilo lechon ( cut to your desired size)
  • 1/2 cup vinegar
  • 2 tablespoons soy sauce
  • 4 cloves garlic (crushed)
  • 1/4 cup bread crumbs
  • 2 cups water
  • 1 tablespoon sugar or to taste
  • ground pepper
  • 2 pieces laurel or bay leaf

Procedure:

  1. Saute the garlic then add the lechon, ground pepper, vinegar, laurel, sugar and soy sauce, then simmer for 10 minutes over low heat.
  2. Add the water and simmer until the lechon is so tender, stirring occasionally.
  3. Slowly sprinkle the bread crumbs, give a good stir and simmer for few minutes until done.
  4. Serve hot with rice.
Advertisements

Paano Magluto ng Pata Tim

pataim w.jpg

Mga sangkap:
2 pirasong paa ng baboy
1/2 tasa toyo
1.5 litro Coke
2 piraso star anis
6 butil ng bawang (dinikdik)
1/4 kutsarita paminta durog

Paraan ng Pagluto:
1. Gisahin ang bawang, saka ilagay ang paa ng baboy, lutuin ang magkabilang bahagi hanggang sa medyo brown na, ilagay ang toyo, Coke, anis at paminta, takpan at pakuluan hanggang sa lumambot.
2. Kapag malambot na, ay ireduce ang sabaw hanggang sa lumapot.
3. Timplahang maigi at ihain pagkaluto kasama ng maraming kanin.😆

Sana magustuhan nyo ang style kong ito ng Pata Tim.

Kung gusto nyong iimprove ang lasa sa pamamagitan ng paglagay ng mga powder na panimpla nasa sa inyo na po yon.

Bicol Express

bicol express.jpg

Sikat na putahe ang Bicol Express, na hango sa paraan ng pagluluto ng mga Bicolano na pinaniniwalaang ginawa ni Cely Kalaw, sya ay taga Laguna ngunit nanirahan sya sa Bicol. Ipinangalan ang Putaheng ito sa serbisyo ng pampasaherong tren na nagbibiyahe mula Maynila hanggang Bicol kung saan sikat ang putaheng ito.

Mga Sangkap:

  • 1 kilo liempo ng baboy
  • 2 tasa ikalawang gata
  • 1 tasa kakang gata
  • 1/2 tasa alamang
  • 3 butil ng bawang (dinikdik)
  • 1 sibuyas (hiniwa)
  • 1 kutsara luya (tinadtad)
  • 10 piraso siling labuyo (hiniwa/tinadtad) dagdagan ayon sa iyong panlasa
  • asin at paminta panimpla

Paraan ng Pagluluto:

  1. Igisa ang bawang, luya at sibuyas saka ilagay ang liempo at sangkutsahing maigi hanggang sa maging medyo brown na ang karne.
  2. Ilagay ang alamang at gisahing maigi, saka ilagay ang sili haluing maigi.
  3. Ilagay ang ikalawang gata at pakuluan ang liempo hanggang sa lumambot ito, timplahan ng asin at paminta. Kung gusto nyong iimprove ang lasa sa pamamagitan ng paglagay ng mga powder na panimpla nasa sa inyo na po yon.
  4. Kapag malambot na ilagay ang kakang  gata at patayin kapag medyo tuyo na.
  5. Ihain ng mainit.

Gumamit ako ng labuyo dahil walang available na siling haba nang magluto ako.

Buttered Pork Chop

buttered pork chop.jpg

Ang karne na niluto sa mantikilya (butter) ay masarap dahil tumutulong ang mantikilya na maimprove ang lasa ng karne dahil ang mantikilya ay nagbibigay ng nutty flavor sa karne na hindi mangyayari kung gagamit tay ng ordinaryong mantika. Kaya subukan nyo mga kabayan.

Mga sangkap:

  • 2 piraso pork chop
  • 1 kutsara katas ng lemon o kalamansi
  • 2 kutsara mantikilya (unsalted)
  • asin at paminta na panimpla

Paraan ng Pagluluto:

  1. Timplahan ang pork chop ng, kalamansi, asin at paminta.
  2. Initin ang butter sa lutuan, kapag mainit na ilagay ang pork chop, baliktarin paminsan minsan hanggang sa maluto.
  3. Ihain kasama ng kanin o french fries.

English Version

Ingredients:

  • 2 slices pork Chop
  • 1 tablespoon lemon juice
  • 2 tablespoons butter (unsalted)
  • salt and pepper to taste

Procedure

  1. Season the pork chops with, lemon juice, salt and pepper.
  2. Heat the butter in a pan, when it is hot, put the pork chop, turn each side every now and then until done.
  3. Serve with rice or french fries.

Fried Pork Chop Sinigang

fried pork chop sinigang.jpg

Wala ng tatalo pa sa masarap na sabaw, iyong lasa na pagkasubo mo babalik balikan mong higupin dahil napakasarap. Ito ang naranasan ko sa niluto kong sinigang na pritong pork chop, sinubukan ko lang lutuin, masarap pala. Subukan nyo.

Mga Sangkap:

  • 2 piraso piniritong pork chop
  • 8 tasa tubig
  • 1 kamatis (hiniwa)
  • 1 sibuyas (hiniwa)
  • 1 tali kangkong
  • 1 pack Sinigang mix (40 grams
  • asin panimpla

Paraan ng Pagluluto:

  1. Ilagay sa kaldero ang tubig, kamatis, sibuyas at pritong pork chop, pakuluan ito ng 15 minutos.
  2. Ilagay ang kangkong at timplahan ng asin ayon sa iyong panlasa. Ilagay ang sinigang mix at patayin ang apoy pagkatpos ng isang kulo.
  3. Ihain kasama ng kanin.

Paano Lutuin Ang Adobong Pata

adobong paa ng baboy

Ang pata ng baboy ay isa sa mga bahagi ng baboy na masarap iadobo lalo na kung malambot na malambot ang pagkakaluto nito.

Mga Sangkap:

  • 1 kilo pata (hiniwa)
  • 1/2 tasa toyo
  • 1 tasa vinegar
  • 1/4 kutsarita pamintang buo
  • 4 butil ng bawang (dinikdik)
  • 3 tasa tubig

 

Paraan ng pagluluto:

  1. Igisa ang bawang pagkatapos ay idagdag ang pata at igisa hanggang ang pinkish na kulay ay mawala.
  2. Idagdag ang toyo at paminta at lakasan ang apoy hanggang sa kumulong maigi ang toyo at medyo tuyo na para maganda ang kulay ng carne, saka idagdag ang suka, takpan at hayaang kumulo.Huwag haluin kung ang suka ay di pa kumulo upang ang texture ng karne ay magiging maganda.
  3. Pakuluan sa katamtamang init ng apoy hanggang maabsorb ng karne ang kulay at lasa ng toyo at suka.
  4. Idagdag ang tubig at pakuluin ito hanggang sa lumambot ang pata. Kung ito ay malambot na at marami pa ring tubig, lakasan ang apoy para madaling mareduce ang sabaw at lumapot.
  5. Ihain ng mainit.

 

English Version

Ingredients:
1 kilo pork hocks ( pata)
1/2 cup soy sauce
1 cup vinegar
1/4 teaspoon peppercorn
4 cloves garlic
3 cups water

Procedure:
1.Saute the garlic then add the pork hocks and saute until the pinkish color is gone.
2. Add the soy sauce and peppercorn then increase the heat making the soy sauce almost dry to enhance the color, then adjust the heat to medium and add the vinegar, cover and let simmer. Do not mix until the vinegar boils so that the texture of the meat will be nice and smooth.
3. Once boiling mix well, then simmer for few minutes until the pork hocks absorbed the flavor and color.
4. Add the water and simmer until tender. If it is already tender and still has a lot of water increase the heat to make the soup evaporate making the adobo just saucy like the one in the picture.
5. Serve it hot.

Pork Adobo with Egg

Screenshot 2018-09-28 15.53.24

Kapag Filipino food ang pag uusapan wala ng mas sikat pa sa adobo dahil kilala kahit ng mga foriegners. Iba’t ibang klase ng karne ang pwedeng gawing adobo, kahit gulay maari ding gawing adobo. Isang potahe na di mo pagsasawaan dahil masarap, lalo na ang pork adobo (para sa akin) :-). Isa rin ito sa paborito ng asawa ko (Malley).

Mga Sangkap:

  • 1 kilo baboy
  • 10 itlog (luto na at binalatan)
  • 1 tasang toyo
  • 1 tasang suka
  • 3 butil bawang (dinikdik)
  • 1 kutsaritang pamintang buo
  • 1 tasa ng tubig (pwedeng dagdagan kugn kailangan)Paraan ng Paghahanda:
  1. Igisa ang bawang pagkatapos ay idagdag ang baboy, toyo, suka, at paminta,pakuluan sa katamtamang init ng apoy.
  2. Idagdag ang tubig at takpan hanggang ang karne ay lumambot, kapag ang karne ay malambot na at marami pang sabaw lakasan ang apoy para madaling lumapot ang sabaw ng adobo.
  3.  Idagdag ang mga itlog at patayin ang apoy pagkatapos ng isang kulo. Ihain kasama ng kanin.

Dagdagan ng asin kung kailangan.

English Version

Ingredients:

  • 1 kilo pork
  • 10 hard boiled eggs
  • 1 cup soy sauce
  • 1 cup vinegar
  • 3 cloves garlic
  • 1 teaspoon whole peppercorn
  • 1 cup water (add if needed)Procedure:1. Saute the garlic then add the pork, soy sauce, vinegar, and peppercorn, then let simmer over medium heat.
    2. Add the water and cover until the meat is tender, when its tender increase the heat to thicken the sauce faster.
    3. Add the eggs then serve it with rice.

Add salt and pepper if needed.

Pork Chop Sinigang

pork chop sinigang

Niluto ko ito para sa dinner namin ni Malley, sa mga masabaw na Filipino food, sinigang ang pinakapaborito nya, “mmmmmm sarap” malley said.

Ingredients for 2 servings:

  • 2 piraso pork Chop
  • 5 pisarso sitaw ( hiniwa)
  • 2 piraso talong (hiniwa)
  • 1 tali kangkong (malinis na)
  • 1 piraso kamatis (hiniwa)
  • 1 maliit na pirasong sibuayas (hiniwa)
  • 5 tasa tubig
  • 2 kutsara sinigang mix ( pwedeng dagdagan ayon sa iyong panlasa)
  • asin ayon sa iyong panlasa

Procedure:

  1. Sa kalderong paglulutuan ilagay ang sibuyas, kamatis, pork chop at kunting asin, lutuin sa katamtamang init ng apoy hanggang sa lumabas ang katas ng pork chop.
  2. Lagyan ng tubig at ituloy ang pagluluto hanggang sa lumambot ang pork chop.
  3. Lakasan ang apoy at ilagay ang sitaw at talong, pakuluin sa loob ng 2 minuto.
  4. Ilagay ang kangkong at hayaang  kumulo ng kalahating minuto at ilagay ang sinigang mix, haluing maigi at pakuluin ng 1 minuto at patayin ang apoy.
  5. Maari na itong ihain kasama ng kanin.

Pwede itong lagyan  ng siling haba at patis para lalong sumarap.

 

Paano Lutuin Ang Sisig

sisig1

Ang sisig ay isa sa mga sikat na putahe sa Pilipinas na nag originate sa Pampanga. Isa ito sa mga gusto ng asawa ko (Malley) kaya ito ang una kong ipinost kasi niluto ko ito para sa kanya at nagustuhan nya talaga. Yehey!!!!!

Ingredients:
1 kilo mascara ng baboy (tainga at mukha)
3 butil ng bawang (dinikdik
1 malaking sibuyas ( hiniwa)
5 kutsara toyo
6 piraso silang haba ( tinadtad)
6 kutsara katas ng calamansi
1/4 kutsarita pamintang powder
1 tali sibuyas dahon(hiniwa)
asin ayon sa iyong panlasa

Procedure:
1. Pakuluan ang maskara ng baboy hanggang sa lumambot, hanguin at iihaw, saka hiwain ng maliliit.
2. Igisa ang bawang at sibuyas, kapag medyo brown na ay ilagay ang tinadtad na sili at igisa itong maigi, pagkatapos ay ilagay ang baboy, gisahing maigi.
3. Ilagay ang toyo, calamansi at paminta, haluing maigi at hayaang kumulo ng ilang minuto, timplahan ng asin kung kailangan at ilagay ang dahon ng sibuyas saka patayin ang apoy.
4. Ihain kasama ng kanin.

sisigfinal