Grilled Tuna Belly

Grilled Tuna Belly

Isa sa mga special na isda ang tuna, medyo mahal pero di ka magsisisi dahil masarap at maraming pwedeng gawing putahe sa tuna, tulad ng kinilaw, prito, sinigang, adobo, pang sushi at marami pang iba. Kapag tiyan na bahagi ng tuna masarap ito inihaw.

Mga sangkap:

  • 1 kilo tiyan ng Tuna
  • 2 kutsara katas ng kalamansi or lemon
  • 2 kutsara toyo
  • 1 kutsara mantika
  • asin at paminta panimpla

Paraan ng Pagluluto:

  1. Paghaluin ang 1 kutsara katas ng kalamansi, mantika at toyo. Ilagay sa isang tabi dahil gagamitin itong pampahid sa tuna kapag iniihaw na.
  2. Timplahan ang tuna ng 1 kutsara katas ng kalamansi, asin at paminta.
  3. Initin ang ihawan at ilagay ang tiyan ng tuna, pahiran ito ng sauce na nasa instruction #1.Pahiran ng sauce ang tuna maya’t maya habang iniihaw ito.
  4. Kapag luto na ay pwede na itong ihain kasama ng kanin at sawsawan na paborito mo.

English Version

Ingredients:

  • 1 kilo tuna belly
  • 2 tablespoons lemon juice
  • 2 tablespoons soy sauce
  • 1 tablespoon oil
  • salt and pepper to taste

Procedure:

  1. Combine 1tablespoon of lemon juice, oil and soy sauce, set aside because this is the sauce for basting.
  2. Season the tuna with 1 tablespoon lemon juice, salt and pepper.
  3. Heat the griller then grill the tuna untill done while basting every now and then with the basting sauce that we made in instruction #1.
  4. Serve how when done together with rice and your favorite dipping sauce.

 

Advertisements

Guso Salad

guso salad (3)

Isa sa mga kumon na seaweed ang guso,, di ko alam ano ang tawag nito sa ibang lugar ng Pilipinas pero dito sa Davao, kilala ito bilang guso. Pwede itong gawing salad na di na banlian ng mainit na tubig, pero para sa akin mas masarap ang binanlian ng mainit n tubig. Pwede rin itong pakuluan pero ingatang wag maover cooked dahil di masarap. Madali lang itong gawing ensalada.

Mga sangkap:

  • 1/2 kilo guso
  • 2 pipino (hiniwa)
  • 2 karots (hiniwa)
  • 1/2 tasa vinegar
  • 1 tasa pinya (hiniwa)
  • 1 kutsarita asukal
  • 1 sibuyas (hiniwa)
  • luya 1 kutsarita (tinadtad)
  • asin at paminta panimpla

Paraan ng Paghahanda:

  1. Pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap, timplahan at haluing maigi.
  2. Ihain.

Maraming iba’t ibang mga sangkap ang pwedeng ihalo dito, ayon sa iyong gusto.

 

ensaladang guso w

Galunggong Paksiw

Galunggong paksiw

Simpleng luto pero masarap. May mga kaibigan ako ayaw nila ng paksiw, pero para sa akin isa ito sa mga paborito kong putahe ng isda. Madaling lutuin at masarap.

Mga sangkap:

  • 1/2 kilo galunggong
  • 3 piraso siling haba
  • 2 butil bawang (dinikdik)
  • kunting luya (hiniwa)
  • 1/2 tasa suka
  • asin at paminta na panimpla

Paraan ng Pagluluto:

  1. Pagsama-samahin sa lutuan ang lahat ng mga sangkap takpan at hayaang kumulo  hanggang sa maluto. Timplahang maigi bago patayin ang apoy.
  2. Ihain.

Piniritong Tiyan ng Bangus

bangus belly fried

Bumili ako ngayon ng 1 bangus na malaki, ang buntot at ulo ginawa kong paksiw at ang tiyan ay pinirito. Mmmmmm ang sarap!

Mga sangkap:

  • tiyan ng bangus
  • calamansi
  • harina
  • asin at paminta na panimplaa

Paraan ng pagluluto:

  1. Pigaan ng calamansi ang tiyan ng bangus saka timplahan ng asin at paminta.
  2. Pagulungin sa harina para di sumabog ang tumalsik ang mantika kapag pinirito. Saka prituhin hanggang sa maluto.
  3. Ihain kasama ng kanin at sawsawan.

Fried Salmon

fried salmon

Ang salmon ay isa sa mga isda na ikinokonsiderang mataas sa protina, omega 3 fatty acids at bitamina D, pero macholesterol din ito kaya kumain lang ng sakto.Kaya para sa aming dalawa ng asawa ko sapat na ang 250 grams o 1/4 kilo.

Mga sangkap:

  • 1/4 kilo salmon (hiniwa)
  • 1 kutsara dayap or calamansi juice
  • asin at paminta na panimpla
  • mantika for frying

Paraan ng Pagluluto:

  1. Budburan ng calamansi juice, asin at paminta ang salmon.
  2. Initin ang mantika at prituhin ang salmon hanggang sa maluto. Alisin sa mantika at ilagay sa paper towel para maalis ang excess oil.
  3. Ihain ng may pagmamahal at nakangiti :).

English Version

Ingredients:

  • 1/4 kilo salmon
  • 1 tablespoon lime or calamansi juice
  • salt and pepper to taste
  • oil for frying

Procedure:
1. Sprinkle the salmon with lemon juice, salt and pepper.
2. Heat the oil then fry the salmon until done, remove from oil and put in a paper towel to remove excess oil.
3. Serve with love and a big smile :-).

 

 

Paano Magluto Ng Tinolang Tahong

img_5752-1

Masarap talaga ang sabaw ng tinolang tahong lalo na kung mainit pa. Higop na.

Mga sangkap:

  • 1 kilo tahong ( hugasang maigi)
  • 1 litro tubig
  • 100 gramo luya (hiniwa)
  • 1 piraso kamatis (hiniwa)
  • 1 tali dahon ng sibuyas
  • mantika panggisa
  • asin panimpla

Paraan ng pagluluto:

  1. Gisahin ang luya at kamatis saka ilagay ang tahong, gisahing  maigi at takpan, hayaang kumatas .
  2. Ilagay ang tubig at hayaang kumulo, timplahan ng asin.
  3. Kapag luto na ay ilagay ang dahon ng sibuyas at ihain.

English Version:

Ingredients:

1 kilo mussels
1 litre water
100 gramsginger ( cut into strips)
1 piece onion ) sliced)
1 bunch spring onion
oil for sauteing
salt to taste

 

Procedure:
1. Saute the ginger and tomato then add the mussels and stir well. then cover until the juices of the mussels come out.
2. Add water and bring to a boil and season with salt. Let simmer until done.
3. Add the spring onion then serve it hot.

 

 

How To Cook Crab With Coconut Milk

crab with coconut milk 1

I am allergic to crabs, minsan kumain ako after few hours parang nag-evolve ang mukha ko pulang pula at namamaga at ang lakas ng tunog ng tibok ng puso ko buti na lang napainom ako agad ng gamot. Mula noon di na ako kumakain ng crabs ( alimango, talangka, alimasag) pero nagluluto pa rin ako kasi marami akong mga friends na gusto ito.

Mga sangkap:

  • 1 kilo alimasag
  • 4 tasang gata ng niyog
  • luya na kasing laki ng hinlalaki (hiniwa)
  • 3 butil ng bawang (dinikdik)
  • 1 maliit na sibuyas (hiniwa)
  • asin at paminta na panimpla

Paraan ng Pagluluto:

  1. Ilagay sa kaldero ang 3 tasa ng gata, luya, sibuyas at bawang at pakuluin habang hinahalo.
  2. Ilagay ang alimango, pakuluan hanggang sa maluto, idagdag ang dahon ng sibuyas, 1 tasa ng gata, asin at paminta haluin at patayin ang apoy pagkatapos ng isang kulo.
  3. Ihain habang mainit pa kasama ng kanin.

 

English Version

Ingredients:

  • 1 kilo Crab
  • 4 cups coconut milk
  • thumb size ginger
  • 3 cloves garlic
  • 1 small onion
  • salt and pepper to taste

Procedure:

  1. In the pot put 3 cups coconut milk, ginger, onion and garlic then bring to a boil.
  2. Add the crab,  simmer until cooked while stirring occasionally, add the spring onion, 1 cup coconut milk, salt and pepper then simmer until done.
  3. Serve hot with rice.

crab with coconut milk 2

 

crab with coconut milk

Ginisang Sardinas

ginisang sardinas

Kaming dalawa ni Malley (my husband) ay mahilig sa sardinas, sa kanya nilalagay sa tinapay, akin inuulam sa kanin :). Kaya I see to it na may stock ng sardinas para kung need ng madaliang paghahanda ng makakain meron kaagad magagawa. Tulad ngayon si Malley nasa London kaya nagisa na lang ako ng sardinas, tara kain tayo.

Mga Sangkap:

  • 1 lata ng sardinas
  • kalahating sibuyas (hiniwa)
  • mantika

Paraan ng Pagluluto:

  1. Lagyan ng kunting mantika ang kawali at kapag mainit na ilagay ang sibuyas gisahin ito (nasa iyo kung gusto mong medyo brown ang sibuyas o kunting gisa lang tulad ng gusto ko.)
  2. Pagkatapos ay ilagay ang sardinas at gisahin ito. Karamihan sa sardinas di na kailangang timplahan dahil malasa na, pero nasa sa iyo pa rin yon kung gusto mong dagdagan ang timpla.
  3. Ihain ito kasama ng kanin o tinapay. Sarap!