How To Cook String Beans Adobo

ginisang sitaw.jpg

Kumon na gulay ang sitaw kaya laging nasa palengke kaya madalas kong lutuin, adobo, ginisa, ginataan o ihalo sa sinigang at iba pa, maraming pwedeng gawing luto sa sitaw, isa na sa pinakakumon ang adobong sitaw at ito ang ibabahagi ko.

Mga Sangkap:

  • 3 tali sitaw (malinis at hiniwa)
  • 200 gramo baboy (hiniwa)
  • 3 kutsara toyo
  • 2 kutsara suka
  • 3 butil bawang (dinikdik)
  • asin at paminta na panimpla

Paraan ng Pagluluto:

  1. Igisa ang bawang at ilagay ang baboy, haluin hanggang sa maging medyo tostado.
  2. Lakasan ang apoy para paglagay ng sitaw manatiling green ang kulay nito hindi parang nalamog. Ilagay ang sitaw at toyo, haluing maigi at huwag takpan, Ilagay ang suka at pakuluin ito, timplahan ng asin at paminta at haluin paminsan minsan hanggang sa maluto.
  3. Ihain ng mainit.

English Version

Ingredients:

  • 3 bunch String Beans ( cut and cleaned)
  • 200 grams pork (sliced)
  • 3 tablespoons soy sauce
  • 2 tablespoons vinegar
  • 3 cloves garlic
  • salt and pepper to taste

Procedure:

  1. Saute the garlic then add the pork and continue to saute until brownish.
  2. Increase the heat to high ( to avoid discoloration of the beans) add the string beans and soy sauce then combine well and do not cover, add the vinegar and let simmer, add salt and pepper to taste, stir every now and then until cooked then turn off the heat.
  3. Serve it hot.
Advertisements

Stir Fried Mushrooms and Beans

stir fried mushroom and beans

Simple lang itong inihanda kong stir fried na kabuti at beans para partner ng asawa ko sa steak. Nagustuhan nya at pwede ko raw lutuin uli :-).

Mga sangkap

  • 250 gramo kabuti (hiniwa)
  • 100 gramo Baguio beans
  • 1 bell pepper pula (hiniwa)
  • 1 kutsara toyo

Paraan ng pagluluto:

  1. Igisa ang bell pepper , lakasan ang apoy, saka ilagay ang beans, haluing maigi at ilagay ang toyo.
  2. Ilagay ang kabuti at haluin hanggang sa maluto, timplahan ng asin kung kailangan.
  3. Ihain.

English Version

Ingredients:

  • 250 grams button mushroom (sliced)
  • 100 grams green beans (sliced)
  • 1 red bell pepper (sliced)
  • 1 tablespoon soy sauce

Procedure:

  1. Saute the bell pepper, increase the heat then add the beans, give a good stir then add the soy sauce.
  2. Add the mushroom and stir until done, season with salt if needed.
  3. Serve.

Paano Magisa Ng Sitaw

ginisang sitaw w

Isa sa mga gulay na kinalakhan ko ang sitaw dahil meron kaming backyard garden at masipag magtanim ang mga kuya ko ng sitaw kaya isa ito sa mga gulay na nakasanayan ko, lalo na kung ginisa na may sahog na masarap.

Mga sangkap:

  • 2 tali sitaw (malinis na at hiniwa)
  • 200 gramo baboy (hiniwa)
  • 3 kutsara toyo
  • 3 butil bawang (dinikdik)
  • 2 kutsara mantika

Paraan ng pagluluto:

  1. Igisa ang bawang at ilagay ang baboy, igisa hanggang maging pinirito ang itsura.
  2. Lakasan ang apoy at ilagay ang sitaw, haluing maigi. Kailangang malakas ang apoy para maganda ang kulay ng sitaw, fresh looking pa rin kahit luto na.
  3. Ilagay ang toyo, kung gusto nyong lagyan ng powder  na pampalasa (Ginisa mix, Magic sarap, vetsin , etc) nasa sa inyo na po yon.
  4. Haluin hanggang sa maluto at ihain kasama ng kanin.

 

Ensaladang Mangga,Sibuyas at Kamatis

ensaladang sibuyas, camatis at mangga

Tayong mga filipino mahilig sa mga sawsawan, mapa-ensalada o sauce man,. Gusto kong ibahagi itong simpleng ensaladang  gawa sa mangga, sibuyas at kamatis. Masarap itong kapartner ng mga inihaw o pritong karne o isda.

Mga sangkap:

  • 1 mangga manibalang (hiniwa)
  • 1 buo sibuyas (hiniwa)
  • 2 buo malaking kamatis ( inalis ang buto at hiniwa)
  • asin panimpla
  • 2 kutsara suka
  • 1 kutsara olive oil

Paraan ng pagawa:

  1. Pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap at timplahang maigi.
  2. Ihain kasama ng pinirito o inihaw na ulam. Masarap!