Paano Gawin Ang Dangsilog

dangsilog new

Maghugas na ng kamay dahil kakain na tayo ng dangsilog. Ang dangsilog ay isa sa mga breakfast combination nating mga Pinoy na binubuo ng danggit, itlog at sinangag, kaya tinawag na dangsilog. Isa ito sa mga mabiling paninda sa mga kainan na nagtitinda ng almusal.

DANG mula sa salitang danggit.

SI mula sa salitang sinangag

LOG mula sa salitang itlog, combine it together equals DangSiLog. 🙂

Madali lang ang paghanda nito mga kababayan, isasangag mo lang ang kanin, magprito ng itlog at danggit, at pwede ng ihain sa mga mahal mo sa buhay.

Advertisements

Pork Chop Sinigang

pork chop sinigang

Niluto ko ito para sa dinner namin ni Malley, sa mga masabaw na Filipino food, sinigang ang pinakapaborito nya, “mmmmmm sarap” malley said.

Ingredients for 2 servings:

  • 2 piraso pork Chop
  • 5 pisarso sitaw ( hiniwa)
  • 2 piraso talong (hiniwa)
  • 1 tali kangkong (malinis na)
  • 1 piraso kamatis (hiniwa)
  • 1 maliit na pirasong sibuayas (hiniwa)
  • 5 tasa tubig
  • 2 kutsara sinigang mix ( pwedeng dagdagan ayon sa iyong panlasa)
  • asin ayon sa iyong panlasa

Procedure:

  1. Sa kalderong paglulutuan ilagay ang sibuyas, kamatis, pork chop at kunting asin, lutuin sa katamtamang init ng apoy hanggang sa lumabas ang katas ng pork chop.
  2. Lagyan ng tubig at ituloy ang pagluluto hanggang sa lumambot ang pork chop.
  3. Lakasan ang apoy at ilagay ang sitaw at talong, pakuluin sa loob ng 2 minuto.
  4. Ilagay ang kangkong at hayaang  kumulo ng kalahating minuto at ilagay ang sinigang mix, haluing maigi at pakuluin ng 1 minuto at patayin ang apoy.
  5. Maari na itong ihain kasama ng kanin.

Pwede itong lagyan  ng siling haba at patis para lalong sumarap.

 

Paano Lutuin Ang Sisig

sisig1

Ang sisig ay isa sa mga sikat na putahe sa Pilipinas na nag originate sa Pampanga. Isa ito sa mga gusto ng asawa ko (Malley) kaya ito ang una kong ipinost kasi niluto ko ito para sa kanya at nagustuhan nya talaga. Yehey!!!!!

Ingredients:
1 kilo mascara ng baboy (tainga at mukha)
3 butil ng bawang (dinikdik
1 malaking sibuyas ( hiniwa)
5 kutsara toyo
6 piraso silang haba ( tinadtad)
6 kutsara katas ng calamansi
1/4 kutsarita pamintang powder
1 tali sibuyas dahon(hiniwa)
asin ayon sa iyong panlasa

Procedure:
1. Pakuluan ang maskara ng baboy hanggang sa lumambot, hanguin at iihaw, saka hiwain ng maliliit.
2. Igisa ang bawang at sibuyas, kapag medyo brown na ay ilagay ang tinadtad na sili at igisa itong maigi, pagkatapos ay ilagay ang baboy, gisahing maigi.
3. Ilagay ang toyo, calamansi at paminta, haluing maigi at hayaang kumulo ng ilang minuto, timplahan ng asin kung kailangan at ilagay ang dahon ng sibuyas saka patayin ang apoy.
4. Ihain kasama ng kanin.

sisigfinal

Mely and Malley

Hello everyone, we (Mely and Malley) decided to make this blog so that we can share our experiences in travelling and cooking together, specially the recipes of food that we prepare.
Sana lagi kayong bumisita dito at pagsikapan namin na merong laging masarap na pagkain na maihahain namin sa inyo at storyang aming maikukuwento sa inyo.Maraming salamat po.

melymalley jurere 2018 july