Marang

marang w

Nakakain na po ba kayo ng marang? Ang marang ay isang uri ng prutas na katutubo sa Borneo, Palawan at Mindanao, ako bilang taga Mindanao (Davao) ang marang ay isa sa mga paborito kong prutas dahil sagana ito sa amin sa mga buwan ng Agosto hanggang Oktubre, kasabay ng mga rambutan, lansones, mangosteen at durian. Mas gusto ko ito kapag hindi sobra ang pagkahinog at malalaki ang laman katulad ng nasa larawan, mabango at masarap ang marang.

Artocarpus odoratissimus ang scientific name ng marang, bukod sa Pilipinas, mayroon ding marang sa Thailand, Malaysia, Brunei, Indonesia at sa ilang bahagi ng India.

Masustansya rin ang Marang, dahil bawat 100 gramo ng laman mayroon itong 17mg na calcium, 35mg ng phosphorus, 2,1 mg ng iron at 30mg ng Bitamina C.

Sa mga nakakain na ng marang ano ang masasabi nyo sa prutas na ito? Sa mga di pa nakakain, tikman nyo na po.

Advertisements

Grilled Tuna Belly

Grilled Tuna Belly

Isa sa mga special na isda ang tuna, medyo mahal pero di ka magsisisi dahil masarap at maraming pwedeng gawing putahe sa tuna, tulad ng kinilaw, prito, sinigang, adobo, pang sushi at marami pang iba. Kapag tiyan na bahagi ng tuna masarap ito inihaw.

Mga sangkap:

  • 1 kilo tiyan ng Tuna
  • 2 kutsara katas ng kalamansi or lemon
  • 2 kutsara toyo
  • 1 kutsara mantika
  • asin at paminta panimpla

Paraan ng Pagluluto:

  1. Paghaluin ang 1 kutsara katas ng kalamansi, mantika at toyo. Ilagay sa isang tabi dahil gagamitin itong pampahid sa tuna kapag iniihaw na.
  2. Timplahan ang tuna ng 1 kutsara katas ng kalamansi, asin at paminta.
  3. Initin ang ihawan at ilagay ang tiyan ng tuna, pahiran ito ng sauce na nasa instruction #1.Pahiran ng sauce ang tuna maya’t maya habang iniihaw ito.
  4. Kapag luto na ay pwede na itong ihain kasama ng kanin at sawsawan na paborito mo.

English Version

Ingredients:

  • 1 kilo tuna belly
  • 2 tablespoons lemon juice
  • 2 tablespoons soy sauce
  • 1 tablespoon oil
  • salt and pepper to taste

Procedure:

  1. Combine 1tablespoon of lemon juice, oil and soy sauce, set aside because this is the sauce for basting.
  2. Season the tuna with 1 tablespoon lemon juice, salt and pepper.
  3. Heat the griller then grill the tuna untill done while basting every now and then with the basting sauce that we made in instruction #1.
  4. Serve how when done together with rice and your favorite dipping sauce.

 

Pork Adobo (Pata Tim Style)

humba w

Sorry mga kabayan kung mataba ang karne, yan kasi gusto ng mga pamangkin ko, ayaw nila sa laman 😀 .

Mga Sangkap

  • 1 kilo liempo ng baboy (hiniwa)
  • 1 tasa suka
  • 1/2 tasa toyo
  • 1 litro Coke
  • 1/2 kutsarita pamintang buo
  • 3 butil bawang (dinikdik)
  • 3 laurel dahon

Paraan ng Pagluluto:

  1. Igisa ang bawang, ilagay ang baboy at sangkutsahing maigi.
  2. Ilagay ang toyo, suka, paminta at laurel, takpan hanggang sa kumulo saka haluing maigi, at hayaang kumulo ito ng 2 minuto saka ilagay ang Coca cola. Takpan at pakuluan ang karne hanggang sa lumambot at haluin paminsan-minsan.
  3. Kapag malambot na, lakasan at apoy at patuyuin ang sabaw kung marami pa para lumapot ito at lalong sumarap.
  4. Ihain kasama ng kanin.

Piniritong Tiyan ng Bangus

bangus belly fried

Bumili ako ngayon ng 1 bangus na malaki, ang buntot at ulo ginawa kong paksiw at ang tiyan ay pinirito. Mmmmmm ang sarap!

Mga sangkap:

  • tiyan ng bangus
  • calamansi
  • harina
  • asin at paminta na panimplaa

Paraan ng pagluluto:

  1. Pigaan ng calamansi ang tiyan ng bangus saka timplahan ng asin at paminta.
  2. Pagulungin sa harina para di sumabog ang tumalsik ang mantika kapag pinirito. Saka prituhin hanggang sa maluto.
  3. Ihain kasama ng kanin at sawsawan.