Macaroni Salad

macaroni salad w

Ang macaroni salad ang isa sa mga matamis na salad na kinagigiliwan nating mga Pinoy. Sa aming pamilya parang di kompleto ang handaan kapag wala ito. :-). Paborito naming lahat.

Mga Sangkap:

  • 1/2 kilo elbow macaroni (lutuin ayon sa instruction na nasa wrapper)
  • 1/2 kilo nata de coco(salain)
  • 2 lata condensada (300ml)
  • 3 All purpose cream (290ml)
  • 1/2 tasa mayonaise
  • 1 maliit lata fruit cocktail (432g) (salain)

Paraan ng Paghahanda:

  1. Pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap at haluing maigi.
  2. Palamigin bago ihain.

Pwede nyo itong lagyan ng pasas at keso.

 

Advertisements