Buttered Pork Chop

buttered pork chop.jpg

Ang karne na niluto sa mantikilya (butter) ay masarap dahil tumutulong ang mantikilya na maimprove ang lasa ng karne dahil ang mantikilya ay nagbibigay ng nutty flavor sa karne na hindi mangyayari kung gagamit tay ng ordinaryong mantika. Kaya subukan nyo mga kabayan.

Mga sangkap:

  • 2 piraso pork chop
  • 1 kutsara katas ng lemon o kalamansi
  • 2 kutsara mantikilya (unsalted)
  • asin at paminta na panimpla

Paraan ng Pagluluto:

  1. Timplahan ang pork chop ng, kalamansi, asin at paminta.
  2. Initin ang butter sa lutuan, kapag mainit na ilagay ang pork chop, baliktarin paminsan minsan hanggang sa maluto.
  3. Ihain kasama ng kanin o french fries.

English Version

Ingredients:

  • 2 slices pork Chop
  • 1 tablespoon lemon juice
  • 2 tablespoons butter (unsalted)
  • salt and pepper to taste

Procedure

  1. Season the pork chops with, lemon juice, salt and pepper.
  2. Heat the butter in a pan, when it is hot, put the pork chop, turn each side every now and then until done.
  3. Serve with rice or french fries.
Advertisements

Fried Pork Chop Sinigang

fried pork chop sinigang.jpg

Wala ng tatalo pa sa masarap na sabaw, iyong lasa na pagkasubo mo babalik balikan mong higupin dahil napakasarap. Ito ang naranasan ko sa niluto kong sinigang na pritong pork chop, sinubukan ko lang lutuin, masarap pala. Subukan nyo.

Mga Sangkap:

  • 2 piraso piniritong pork chop
  • 8 tasa tubig
  • 1 kamatis (hiniwa)
  • 1 sibuyas (hiniwa)
  • 1 tali kangkong
  • 1 pack Sinigang mix (40 grams
  • asin panimpla

Paraan ng Pagluluto:

  1. Ilagay sa kaldero ang tubig, kamatis, sibuyas at pritong pork chop, pakuluan ito ng 15 minutos.
  2. Ilagay ang kangkong at timplahan ng asin ayon sa iyong panlasa. Ilagay ang sinigang mix at patayin ang apoy pagkatpos ng isang kulo.
  3. Ihain kasama ng kanin.

Pork Chop Sinigang

pork chop sinigang

Niluto ko ito para sa dinner namin ni Malley, sa mga masabaw na Filipino food, sinigang ang pinakapaborito nya, “mmmmmm sarap” malley said.

Ingredients for 2 servings:

  • 2 piraso pork Chop
  • 5 pisarso sitaw ( hiniwa)
  • 2 piraso talong (hiniwa)
  • 1 tali kangkong (malinis na)
  • 1 piraso kamatis (hiniwa)
  • 1 maliit na pirasong sibuayas (hiniwa)
  • 5 tasa tubig
  • 2 kutsara sinigang mix ( pwedeng dagdagan ayon sa iyong panlasa)
  • asin ayon sa iyong panlasa

Procedure:

  1. Sa kalderong paglulutuan ilagay ang sibuyas, kamatis, pork chop at kunting asin, lutuin sa katamtamang init ng apoy hanggang sa lumabas ang katas ng pork chop.
  2. Lagyan ng tubig at ituloy ang pagluluto hanggang sa lumambot ang pork chop.
  3. Lakasan ang apoy at ilagay ang sitaw at talong, pakuluin sa loob ng 2 minuto.
  4. Ilagay ang kangkong at hayaang  kumulo ng kalahating minuto at ilagay ang sinigang mix, haluing maigi at pakuluin ng 1 minuto at patayin ang apoy.
  5. Maari na itong ihain kasama ng kanin.

Pwede itong lagyan  ng siling haba at patis para lalong sumarap.